Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Patay ang isang
ginang na 49-anyos matapos itong makuryente sa Sitio Lugutan, Brgy.
Manoc-manoc, Boracay.
Sa blotter report
ng Boracay PNP, naka-tanggap umano sila ng tawag mula sa isang ospital na
merong dinala roong patay na babae na agad naman nilang nirespondihan.
Nakilala naman ng
mga pulis ang namatay na si Tessie Prion, residente ng San Jose Romblon at
temporaryong nakatira sa nasabing lugar.
Salaysay ng asawa
ng biktima sa mga pulis, dumaan umano ang kanyang asawa sa likod ng kanilang
bahay kung saan madulas umano ang daan dala ng pag-ulan kung saan dito
aksidente nitong nahawakan ang live wire ng kanilang kapitbahay dahilan para
ito ay makuryente.
Nabatid na
nagpatulong pa ang biktima sa kanyang asawa na dalhin sa ospital ngunit ng
makarating ito sa pagamutan ay nag-aagaw buhay na ito at makalipas ang ilang
minutong paglapat ng medikasyon ng doktor ay agad din itong binawian ng buhay.
Sa ngayon pansamantalang nakahimlay ang katawan ng biktima sa Prado Funeral Home sa
bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment