Thursday, June 23, 2016

Eye Clinic sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital, muling binuksan

Posted June 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit: Pia Aklan
Muli ngayong binuksan ang Eye Clinic sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) nitong nakaraang araw ng Martes Hunyo 21 taong kasalukuyan.

Ayon kay Dr. Victor Santamaria Provincial Health Officer 2, ito umanong Eye Clinic ay binuksan sa nasabing araw sa presensya nina Gobernador Joeben Miraflores, Bise Gobernador at Outgoing Gabrielle Calizo-Quimpo, SP Officials, Dr Paul Macahilas at mga Department heads ng probinsya.

Aniya, matagal na umano itong hindi nag-oope kung kayat malaki umano itong tulong sa kanila at sa mga tao lalong-lalo na sa bayan ng Kalibo.
rate ito sa ospital

Maliban dito, meron na umano itong bagong facility equipment kagaya ng slit lamp, operating microscope, Phacoemulsification para sa mga nangangailangan sa pagpapa suri sa cataract, glaucoma at iba pang sakit sa mata.

Nabatid na prayoridad nito na matulungan ang mga mahihirap na Indigent na Aklanon lalo na ang mayroong PhilHealth.

Samantala, bukas naman ang kanilang operasyon simula alas- 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali at sa hapon naman ay ala-1 hanggang alas-5 kung saan ang doktor na susuri dito ay si Dr. Dan Martelino.

No comments:

Post a Comment