Tuesday, June 21, 2016

Lasing na lalaki nagwala at nanira ng mga gamit sa loob ng bar

Posted June 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotter reportNabalot ng takot ang may-ari at ng mga nagtatrabaho sa isang bar sa Sitio lugutan, Brgy. Manoc-manoc matapos silang pasukin ng lasing na lalaki at nanggugulo.

Sumbong ng may-ari ng bar na si Jill Marie Subrabas Tan, 30-anyos sa mga pulis, sinabihan umano siya ng kanyang empleyado na pinasok sila ng suspek na si Russel Tugahe at sinira nito ang lamesa, microphone at mga bote ng inumin dahilan para maglabasan ang kanilang mga customer na kung saan ay iba rito ay hindi pa nakapagbayad ng bill.

Maliban dito hindi pa umano nakuntento ang suspek at nagsisisgaw pa umano ito at naghahamon pa ng away sa mga tao sa lugar.

Nabatid na lasing na lasing ang suspek ng manggulo sa loob ng bardahilan para ipahuli ito sa mga pulis sa Boracay PNP.

Samantala, ang kaso ay ini-refer naman ng mga pulis sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc.

No comments:

Post a Comment