Thursday, June 23, 2016

Boarding House, niluoban ng magnanakaw

Posted June 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ninakawan sa beach sa BoracayIsa naman ngayong boarding house ang niluoban ng magnanakaw sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Sumbong ng biktima na si Luigi Mortalla 23-anyos, residente ng Makato, Aklan at temporaryong nakatira sa nasabing Brgy. sa Boracay PNP, nagising nalang umano siya na nawawala na ang kanyang dalawang cellphone, wallet na naglalaman ng importanteng I’d at cash na P6,000 kung saan nakalagay lahat ito sa kanyang back pack bag.

Nabatid na bago mangyari ang insidente ay pumunta ang biktima sa birthday party ng kanyang katrabaho kung saan sa pagbalik naman nito ay maayos parin umano ang kanyang kwarto nito at naka-lock ang pintuan pero bahagyang nakabukas ang bintana ngunit hindi naman niya ito umano inintindi.

Sa ngayon ay patuloy na ini-imbestigahan ng imbestigador ng Boracay PNP station ang nangyaring pagnanakaw sa lugar.

No comments:

Post a Comment