YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 22, 2016

Siyam na palapag na gusali sa Boracay paiimbestigahan dahil sa paglabag sa height limit

Posted June 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      
               
Image result for building
Google.com.ph
Mahigpit na ipinagbabawal sa isla ng Boracay ang hindi pagsunod sa height limit sa mga itinatayong gusali.

Dahil dito pinuna ni SB member Floribar Bautista sa SB Session ng Malay kahapon ang itinayong gusali ng malaking kumpanya sa brgy. Yapak Boracay dahil sa umabot na umano ito ng siyam na palapag.

Ayon kay Bautista, hanggang anim na palapag lamang umano ang kanilang pinahihintulutan base sa nakasaad na municipal ordinance 328 series of 2013 o kailangang may limitasyon na hanggang 20 meters ang taas ngunit dapat ay may area na limang ektarya.

Dahil dito ipinatawag niya ang atensyon ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) na isa sa mga namamahala ng mga itinatayong building sa isla kasama na ang Committee on Land Use para sa imbestigasyon.

Samantala, nagde-demand naman ngayon ng report si Bautista na isusumite umano sa kanya kung anong aksyon ang ginawa ng mga kinauukulan tungkol dito kasama na ang listahan ng mga nag-violate ng height limit sa buong Boracay.

No comments:

Post a Comment