Thursday, June 23, 2016

Inagurasyon sa bagong administrasyon sa Malay nakatakda ngayong Hunyo 30

Posted June 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Ilang araw nalang ang natitira at magpapalit na ng bagong administrasyon ang bayan ng Malay ngayong darating na Hulyo 1, 2016.

Ngunit bago ito, isa munang inagurasyon ang magaganap sa Hunyo 30 kung saan magiging parti naman nito ang Oath Taking at symbolic turn-over.

Ayon kay outgoing SB member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre, sa July 1 naman aniya magaganap ang inaugural session, first agenda at adoption ng rules.

Nabatid na sa bagong administrasyon ay uupo bilang Alkalde ng Malay si Ceciron Cawaling habang sa pagka-bise alkalde naman ay si Abram Sualog.

Samantala, ang naturang inagurasyon ay inaasahang dadaluhan ng daan-daang supporters ng mga nanalong kandidato kasama na ang kanilang pamilya, mga stakeholders sa Boracay at ang lahat ng Department heads ng Malay.

No comments:

Post a Comment