Posted June 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ganito kung ipagdiwang ng mga Pilipino saan mang sulok ng
bansa ang selebrasyon ng Pista ni San Juan Bautista bukas araw ng Biyernes.
Dahil dito muling nag-paalala ang Philippine Coastguard
sa pangunguna ni Lt. Edison Diaz Commander in Chief ng PCG-Caticlan sa mga
magbabalak na maligo sa dagat o kahit saan man na mag-doble ingat lalo na ang
mga bata.
Ayon kay Diaz, sa ngayon umano ay nagdadag sila ng deployment
sa front beach at karagdagang augmentation na matatalaga sa kanilang opisina at
sa mga lugar kung saan maraming maliligo.
Sa ngayon umano ay meron silang tinatawag na floating
asset na naka waterborne at naka-deploy sa buong isla sa kasagsagan ng kapistahan.
Samantala, maliban dito ay mayroon din umano silang deployable
response group na umiikot sa mga dalampasigan sa kanilang area of
responsibility sa paligid ng Boracay hanggang sa papuntang bayan ng Buruangga
kung saan maraming water activity o mga naliligo sa dagat.
Ang Pista ni San Juan ay ipinagdiriwang sa ibat-ibang
bahagi ng bansa tuwing Hunyo-24 kung saan nagseselebra ang mga tao sa
pamamagitan ng pagligo sa dagat o maging sa ilog.
No comments:
Post a Comment