Tuesday, June 21, 2016

Sexual harassment isinampa laban sa Aklan Schools Division Superintendent

Posted June 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sexual harassmentNahaharap ngayon sa kasong sexual harassment ang Schools Division Superintendent ng Aklan na si Dr. Jesse Gomez.

Ito’y matapos siyang ireklamo ng emergency clerk/driver ng tanggapan nito dahil umano sa pagmamasahe nito ng dibdib sa kanya at tinangka pang pahawakan ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.

Sa pahayag ng nagrereklamong si John Mark Pelayo, tinawag umano siya ni Dr. Gomez sa kanyang opisina at nagpamasahe sa kanya ang opisyal.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Gomez ang naturang alegasyon kung saan sinabi nito na hinayaan lamang umano nito na emasahe siya ni Pelayo at wala na umano siyang ginawa bukod doon.

Si Gomez ay inaakusahan ngayon sa paglabag sa Section 3 of Republic Act 7877, or the Anti-Sexual Harassment Act of 1995 kung saan handa naman niya umano itong harapin sa korte.

No comments:

Post a Comment