Posted June 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mababawasan na umano ang pag-transport ng mga basura o
dumi sa landfill sa mainland Malay mula sa isla ng Boracay.
Ito’y sa sandaling maaprobahan ang kahilingan ng El Elyon
Orion Renewable Solutions Corporation na magsagawa, mag-operate ng kanilang
ninanais na Waste-To-Energy (WTE) program sa nasabing bayan.
Sa SB Session ng Malay nitong Martes, tinalakay sa
committee report ang naturang usapin kung saan ayon kay SB member Manuel Delos
Reyes advantage umano ito sa LGU dahil sa magbibigay din ito ng karagdagang electric
power sa nasabing bayan na may minimum na 60 mega watts sa bawat operasyon.
Nabatid na ang El-Elyon ay mula sa bansang Vietnam na
nagnanais na pasukin ang operasyon sa bayan ng Malay sa pamamagitan ng kanilang
mga makina na magtutunaw sa Waste-to-Energy.
Samantala, ang proposed resolusyong ito ay dedesisyonan
na sa 2nd at final reading sa susunod na SB Session ng Malay.
No comments:
Post a Comment