Wednesday, June 22, 2016

Baha kahit walang ulan sa Ambulong Boracay nakatakdang inspeksyunin ng konseho

Posted June 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for baha sa ambulong boracay“Sobrang init ngunit may baha”

Ito ang sinabi ni Sangguniang Bayan member Danilo Delos Santos sa ika-22nd SB Session ng Malay kahapon ng Martes.

Personal na tinutukoy rito ni SB Delos Santos ay ang sa area ng Ambulong Station 3 kung saan hindi humuhupa ang tubig doon sa kalsada kahit na walang pag-uulan.

Sinabi nito na halos tatlong buwan na ang problemang ito kung saan kanya-kanya nalang sa paggawa ng solusyon ang mga establisyemento doon katulad ng paglalagay ng harang sa harapan ng kanilang mga tindahan upang mag-slow down ang mga sasakyan para hindi sila matalsikan ng tubig.

Lumalabas din umano sa unang pag-susuri ni SB Delos Santos na galing sa taas ng Ambulong area ang naturang mga tubig na dumadaloy pababa.

Nabatid na nanggagaling din umano ito sa mga banyo, tubig na ginamit sa panlalaba, paligo at iba pa na itinuturong dahilan sa baha na ngayon ay halos ayaw humupa dahil sa hindi pa natatapos ang drainage project sa lugar.

Samantala, mismong ang Sangguniang Bayan umano ang mag-iinspeksyon nito kung saan talaga nanggagaling ang tubig kasama ang mga taga Engineering office ng Malay. 

No comments:

Post a Comment