Wednesday, June 22, 2016

LGU Malay at MDRRMC, nagsagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Posted June 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zanmbrona, YES FM Boracay

Image result for national earthquake drillNakiisa ang Local Government Unit ng Malay sa pangunguna ng Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa National Earthquake Drill kaninang umaga.

Sinimulan ito alas-9 kaninang umaga kung saan pinamunuan din ito ni Local Government Operations Officer Chief Mark Delos Reyes.

Nabatid na lahat ng empleyado ng LGU Malay kasama ang Bureau of Fire ay isinagawa ang simultaneous earthquake drill sa pamamagitan ng pagtakip ng kanilang ulo ng kanilang mga kamay habang lumalabas sa gusali at ang pagtago sa ilalim ng lamesa.

Ang nasabing aktibidad ay isa umanong paraan upang maging handa ang bawat isa sa posibleng maranasang kalamidad.

No comments:

Post a Comment