Tuesday, June 21, 2016

Pagkilala inihanda para sa mga outgoing officials ng Probinsya ng Aklan

Posted June 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for aklan capitol buildingNakatakdang bigyan ng pagkilala ang mga outgoing officials ng Probinsya ng Aklan sa ika-labing-anim na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan sa Hunyo 28 taong kasalukuyan.

Ang “Send off Ceremony and Testimonials” ay gaganapin sa SP Session Hall, Aklan Provincial Capitol sa bayan ng Kalibo.

Pangungunahan naman ito ni Aklan Governor Florencio Miraflores at Outgoing Congressman Teodorico Haresco Jr. kasama ang mga Department Heads ng kapitolyo.

Nabatid na ang mga outgoing Provincial Officials na paparangalan ay sina Vice Governor Garielle Calizo-Quimpo at ang limang outgoing SP members na sina Plaridel Morania, Rodson Mayor, Robert Garcia Jr., Jose Enrique Miraflores at Stephen Bolivar.

No comments:

Post a Comment