Monday, June 20, 2016

Isang Mayor sa Aklan, itnuturong sangkot sa illegal drugs

Posted June 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for iligal na drugaSa kabila ng ginagawang mahigpit na kampanya ng mga pulis laban sa illegal na droga sa Aklan, isang Mayor umano sa probinya ang kasama sa illegal na gawaing ito.

Ito ay base sa inilabas na datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan 35 na mga Alkalde sa buong bansa ang sangkot sa illegal drugs.

Maliban dito dalawang alkalde sa Negros Occidental ang kasama habang tatlo sa Iloilo, 1 sa Antique at 1 naman sa Aklan.

Samantala, patuloy naman ngayong kinukuhaan ng himpilang ito ng pahayag ang Aklan Police Provincial Office (APPO) tungkol sa sangkot na Mayor sa illegal na droga.

No comments:

Post a Comment