Posted June 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa layunin na maging ligtas ang mga turista at lahat ng
pasahero sa Tabon Port ay maaari umanong hindi pa puweding gamitin ang Terminal
building sa lugar ngayong Habagat.
Ito ang pahayag ni outgoing SB Member Rowen Aguirre
matapos silang magsagawa ng meeting at sa rekomendasyon sa kanya ni Malay Engr.
Elizer Casidsid.
Ayon kay Aguirre, hindi pa umano kasi kumpleto ang mga
pasilidad doon kagaya na lamang ng bubong na yari sa nipa at may malaki pang
butas na nakatiwang-wang.
Nabatid na ang terminal building na ito ay itinayo noong
nakaraang taon ngunit hindi pa ito natatapos sa ngayon kung saan balak sana
itong gamitin ngayong Habagat bilang temporaryong terminal area ng mga turista
at mga pasahero.
Samantala, titiyakin naman umano ng LGU na agad itong
maiayos upang magamit na dahil sa ang Tabon Port ang siyang alternatibong rota
sa tuwing panahon ng Habagat sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment