Posted June 21, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Inaasahan umano ng Provincial Health Office na muli na
namang tataas ang kaso ng dengue sa
probinsya ng Aklan dahil sa pagpasok ng tag-ulan.
Dahil dito, nanawagan si Dr. Cornelio Cuachon, Jr.,
provincial health officer I na kailangang maging masikap sa paglilinis ng mga
kapaligiran.
Maliban dito umapela naman ito sa publiko na kailangang
tandaan ang tinatawag na 4S - strategies, na ikinakampanya ng Department of
Health na siyang epektibo na pamamaraan sa pagsupo ng dengue.
Nabatid na ang unang “S” ay “seek and destroy” kung saan
dapat linisin ang mga lugar na posibling pamugaran ng lamok at ang pangalawa ay
“S” “seek early consultation” na kung saan magpakunsulta agad sa doktor kung
tumataas ang lagnat.
Sunod naman nito ay “self protection” na kailangang
magsuot ng mahabang manggas at maglagay ng kulambo kung matutulog na at ang
pang-huling “S” naman ay “say no to fogging” dahil dapat na gamitin lamang ito
kung may dengue outbreak na sa lugar.
Samantala, ang anti-dengue vaccine umano ay nasa bansa na
at noong Abril ngayong taon ay ginawa ang first dengue vaccination sa
pampublikong paaralan sa Region 3, 4A, at National Capital Region.
No comments:
Post a Comment