Monday, June 20, 2016

DepEd Aklan aminadong may kaunting problema sa Senior High School

Posted June 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      
               
Image result for balik eskwelaNaging matagumpay umano at smooth ang pagbubukas ng klase noong nakaraang linggo sa buong Probinsya ng Aklan.

Ito ang sinabi ni Dr. Jesse M. Gomez - Schools Division Superintendent sa panayam ng himpilang ito kahit pa umano nagkaroon ng kaunting problema sa Senior High School.

Aminado naman si Gomez na halos kalahati palang ngayon ang natatapos na school buildings para sa Senior High kung saaan patuloy naman itong ginagawa ngayon.

Maliban umano rito ay hindi parin dumadating ang mga libro at mga upuan para sa SHS, dahil sa patuloy pa ang ginagawang pag-purchase para rito.

Sa kabilang banda, handa naman ang kalahati sa numero ng mga guro na bagong hired para sa Senior High School kung saan na-assign ang mga ito sa ibat-ibang eskwelahan sa buong Probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment