Posted
March 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lalong pinalakas ng Aklan Police Provincial Office (APPO)
ang seminar nitong Biyernes para sa nalalapit na national at local election ngayong
Mayo.
Ito ay sa pangunguna mismo ni PSupt. Troy Warren Cayanan,
Chief, RLO6 at PSSupt. John Mitchell Jamili, OIC ng APPO, kung saan mainit
nilang tinanggap ang presensya ng mga dumalo sa nasabing seminar.
Dito, pinag-usapan ang tungkol sa election related Laws,
PNP policies at rules and regulations na ginanap sa Multi-Purpose Hall ng Aklan
Police Provincial Office sa bayan ng Kalibo.
Present rin dito ang Provincial Election Officer na si
Atty Roberto Salazar at ang lahat ng mga partisipante mula sa ibat-ibang
Municipal Police Stations kasama ang non-uniformed personnel.
Sa kabilang banda binigyang diin naman ni PSSupt Jamili
na mabigat ang kanilag responsibilidad sa pagkakaroon ng ligtas at patas na
National at Local Elections 201.
Samantala, ipinunto din ni PSupt Cayanan sa lecture
proper ang provision ng legal support sa Police Operatives at Investigators.
No comments:
Post a Comment