Wednesday, March 16, 2016

Magsasaka sa Libacao, patay matapos pagbabarilin ng mag-ama

Posted March 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulong na babaeKalunos-lunos ang ikinamatay ng isang Magsasakang lalaki matapos itong pag-babarilin sa Sitio Aybatang Brgy. Manika, Libacao, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Rey Valentine 30-anyos ng nasabing Brgy. habang ang suspek na mag-ama ay nakilalang sina Gilbert Agudes y Carlos at Vincent Orbista y Carlos.

Ayon sa imbestigador na si PO2 Caron Mayor ng Libacao PNP, dinalhan umano ng live-in partner nito ang biktima ng tanghalian sa isang planta sa lugar kung saan makalipas ang ilang minuto ay bigla itong pinag-babaril ng mag-ama.

Nabatid na nagtamo ng labing tatlong tama ng baril ang biktima sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan na nag-resulta ng agarang pagkamatay nito. 

Napag-alaman na away sa lupa ang itinuturong dahilan ng pamamaril sa biktima kung saan patuloy parin ngayong pinag-hahanap ng Libacao PNP ang mag-amang suspek.

No comments:

Post a Comment