Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Makabuluhang
natapos kanina ang ika- 6 na taon ng Eco Walk at Beach Clean-up ng mga
mag-aaral ng Boracay National High school o (BNHS) sa Boracay ngayong araw.
Itoy sa pangunguna
ni Mr. Ervin Maravilla ng BNHS at ni Boracay Island Administrator Glenn
SacapaƱo, Solid Waste Management Team at iba pang mga guro ng nasabing
paaralan.
Sinimulan ng mga
estudyante ang naturang programa sa pamamagitan ng paglilinis o Beach Clean-up
sa mahabang beach line ng isla.
Napag-alaman na
sa mahigit isang oras at kalahati na paglilinis ng mga estudyante, naka-kolekta
ang mga ito ng halos isang sako ng mga cigarette butts o upos ng sigarilyo maliban
pa sa mga plastic bottles, bote at papel na dinala naman sa Balabag MRF.
Nabatid na
layunin ng naturang programa na magkaisa ang mga tao lalo na ang mga kabataan
sa pag-protekta ng kalikasan ng Boracay laban sa basura.
Ang naturang aktibidad ay sa pakikiisa at suporta din ng LGU-Malay.
No comments:
Post a Comment