Wednesday, March 16, 2016

Babaeng Chinese national, kulong matapos manggulo


Posted March 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for babaeng kulongKulong ang turistang Chinese national matapos itong manggulo sa harapan ng isang Minimart sa Brgy. Balabag, Boracay.

Base sa report ng Boracay PNP, ini-reklamo ni John Anthony Mateo 18-anyos ng Brgy. Caroline, Looc, Romblon at nakatira ngayon sa Sitio Pinaungon ng nasabing Brgy. ang turistang suspek na si Wang Meng.

Nabatid na nanggaling umano ang dalawa sa isang bar kung saan ng papauwi na ang mga ito ay nagulat umano ang suspek na nawawala na ang kanyang cellphone dahilan para mag-iskandalo ito sa nasabing lugar at paghahampasin ang nag-rereklamo.

Sa ngayon pansamantalang nasa kustudiya na ng Boracay PNP ang naturang turista na napag-alaman na lasing ito ng maganap ang insidente.

No comments:

Post a Comment