Tuesday, March 15, 2016

Lalaki sa Boracay, timbog sa panibagong buy-bust operation

Posted March 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buybustHuli sa pagbibinta ng illegal na droga ang isang lalaki sa Brgy. Manoc-manoc, Boracay kahapon.

Nakilala ang suspek na si Allan Balsomo Jr.33-anyos residente ng Ponteverda Capiz at pansamantalang nakatira sa Brgy. Balabag, Boracay.

Sa pinag-samang pwersa ng mga pulis ng Boracay PNP, PDEA at Maritime personnel nahuli ang suspek na si Balsomo, kung saan nakuha dito ang tatlong suspected shabu, buy-bust money na P1,000 at isang cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Samantala, agad namang isinailalim sa medical examination ang suspek na ngayon ay pansamantalang ikinustudiya sa Kalibo PNP para sa kanyang kaukulang disposisyon.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment