Monday, March 14, 2016

Isyu sa Caticlan Airport pag-uuspan sa SB Session bukas

Posted March 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan airportNakatakdang pag-usapan sa Sangguniang Bayan SB Session ng Malay ngayong Martes ang tungkol sa ibat-ibang isyu sa Caticlan Airport.

Sa 10th Regular SB Session ng Malay nitong nakaraang Martes, inimbitahan ni SB Member Rowen Aguirre ang “Land Owner Sa Palibot it Airport” (LOPA) base na rin sa request ng mga grupo nito na pag-usapan sa session ang kanilang problema.

Maliban dito dadalo rin ang PPP, National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa Manila para masagot ang mga katanungan ng mga LOPA members.

Nabatid na ang LOPA ay kinabibilangan ng mga residente na apektado ng ginagawang International Airport sa Caticlan kung saan hindi pabor ang mga ito sa naging kasunduan nila sa pagitan ng kumpanya ng nasabing airport.

No comments:

Post a Comment