Posted March 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinakailangan na umanong dumaan sa registry ang mga sex
offenders lalo na sa mga tourist destination sa sandaling maaprobahan ang batas
para rito.
Ito ang pahayag ni Atty. Eric Mallonga ng Asia
Foundation, sa panayam ng himpilang ito sa ginanap na 4th
Consultation Workshop hinggil sa Child Sex Offenders na ginanap sa isla ng
Boracay kahapon.
Ayon kay Mallonga ang nasabing workshop ay ang pagbuo ng
national counsel para sa registry sa sex offenders sa komunidad at para bigyan
ng kaalaman ang mga ito na tungkol sa pedophiles at mga namamantala-sekswal sa
kanilang mga lugar.
Aniya, kung ang komunidad umano ay aware na may sex
offenders sa kanilang lugar ay makakatulong ito para maiwasan na magkaroon ng
sex related crimes at mahikayat nila ang pag-protekta sa mga bata at sa lipunan
ng sa ganon ay hindi na umano pauli-ulit ang mga kaso ng
pagsasamantalang-sekswal lalo na sa mga kabataan.
Samantala, makakatulong umano ang registry sa Boracay dahil
maaaring gumanda ang turismo kung saan magiging isa na umano itong family
oriented tourism, cultural, sport at eco-tourism at iba pa maliban sa sex
tourism.
Ang proposed bill ay ang pag-protekta sa mga kabataan laban
sa sexual exploitation at abuse, violent crime, child pornography sa pagsagawa
ng system ng registration at notification para sa sex offenders, pag-promote sa
internet safety at iba pang karagdagang proteksyon para sa mga kabataan.
No comments:
Post a Comment