Posted March 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpasaklolo sa Sangguniang Bayan ng Malay ang mga
miyembro ng “Land Owner Sa Palibot it Airport” (LOPA).
Sa ginanap na 11th Regular SB Session ng Malay
nitong Martes, dumalo ang LOPA kasama ang mga concern agencies na
kinabibilangan ng PPP, National Economic and Development Authority (NEDA),
Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission Human Rights.
Dito ipinaabot ng mga LOPA ang kanilang sinstemyento
kauganay sa kanilang mga lupa na apektado ng ginagawang International Airport
sa Caticlan.
Hiling ng mga ito na sana ay mabigyan sila ng tamang
bayad sa kanilang mga lupa kung saan ay matindi umano silang naapektuhan sa
nasabing construction.
Ang pagdalo naman ng mga nasabing ahensya ay para
ipaliwanag ang karapatan ng mga pamilyang apektado at ang sistema ng pagbili ng
lupa.
Samantala, ikinalungkot naman ng Sangguniang Bayan ang
bigong pagdalo ng CAAP na siyang pinaka-importanteng ahensya na dapat sasagot
sa mga katanungan ng mga taga LOPA.
No comments:
Post a Comment