Posted March 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Cellphone at
wallet na naglalaman ng cash ang natangay mula sa isang turistang Dutch
national sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon ng madaling araw.
Sumbong ng
biktimang si Johannes Leohnard Markus Hutt, 19-anyos sa mga pulis, naglalakad
umano siya papuntang kalsada galing sa front beach ng bigla siyang harangin ng
isang lalaking armado ng kutsilyo at pilit na kinukuha ang kanyang hawak na
cellphone.
Hindi pa umano
nakuntento ang suspek at tinutukan pa siya ng hawak nitong kutsilyo habang
kinukuha ang kanyang wallet na naglalaman ng cash na (P670, 00).
Dahil dito, agad
umanong tumakas papalayo ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang ang
biktima ay mas minabuti munang dumiristo sa kanyang tinutuluyang hotel.
Samantala,
patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente
kung saan hindi parin ngayon matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
No comments:
Post a Comment