Wednesday, March 16, 2016

Boracay Action Group at ibang ahensya sa Boracay, nakahanda na sa Summer event

Posted March 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona YES FM Boracay    

Image result for boracayNakahanda na ngayon ang Boracay Action Group (BAG) at iba pang concern agencies sa Boracay bilang paghahanda ng Summer event.

Ayon kay Commodore Leonard Tirol ng Boracay Action Group, inisa-isa niya umanong isina-ilalim sa meeting ang lahat ng organic agencies at force multipliers para sa gagawing seguridad sa lahat ng aktibidad sa Boracay lalong-lalo na ang Summer event sa La Boracay.

Nabatid na inatasan si Tirol ng LGU Malay na maging adviser sa lahat ng paghahanda na isasagawa sa pagbabantay sa isla ng Boracay kung saan ang lahat ng mga ahensya dito ay under sa Boracay Action Group (BAG).

Sa kabila nito inihalimbawa naman ni Tirol ang seguridad na isinagawa noong nakaraang taon sa APEC Summit, na lahat umano ng mga organic groups sa isla ay ikinalata mula sa Station 1 hanggang station 3 para sa seguridad.  

Maliban dito, pinaalalahanan din nito ang mga magbabakasyon sa Boracay na maging maingat at agad na i-report sa mga kinauukulan sakaling may mapansin silang kahina-hinalang galaw.

No comments:

Post a Comment