Tuesday, March 15, 2016

Ika-60th Aklan Day magarbong pinaghahandaan

Posted March 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for aklan capitolMagarbo ang ginagawang paghahanda ng Aklan Provincial Government para rin sa magarbong selebrasyon ng ika-60th Aklan Day ngayong darating na buwan ng Abril 25, 2016.

Dahil dito kaliwat kanan na ngayon ang paghahanda ng probinsya sa taunang okasyon kung saan ibat-ibang aktibidad ang nakalinya para sa isang linggong selebrasyon.

Nabatid na bida sa naturang selebrasyon ang dinarayong “tsibugan sa Kapitolyo” kung saan isisilbi rito ang mga putahing made in Aklan gayundin ang mga produkto na yaring probinsya kasama na ang “Talibong festival” at mga live bands na mag-papaingay sa harapan ng kapitolyo.

Ang Aklan Day ay pag-alala kung saan humiwalay ito sa Capiz bilang isang independent province noong Abril 25, 2016 sa bisa ng Republic Act 1414, na nilagdaan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.

No comments:

Post a Comment