Wednesday, March 16, 2016

Aklan PPO lalahok sa Earth Hour ngayong Sabado; publiko hinikayat

Posted March 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for earth hour 2016
Image by: www.spie.de
Ngayong Sabado na ang itinakdang Earth Hour campaign na inorganisa ng World Wide Fund for Nature Marso 19, 2016 mula alas-8:30 ng gabi hanggang alas 9:30 ng gabi.

Dahil dito lalahok ngayon sa taunang aktibidad ang Aklan Police Provincial Office (APPO) bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa planeta.

Ito ay pangungunahan mismo ni Aklan Police Provincial Office (APPO) OIC PSSupt. John Mitchell Jamili kung saan inanyayahan nito ang bawat mamamayan na patayain ang ilaw at mga kagamitan sa bahay o tanggapan na hindi kailangan sa isang oras.

Layun umano ng Earth Hour na makatulong sa pagtitipid ng kuryente , pagpapahalaga sa kalikasan tungo sa preserbasyon ng enerhiya sa mundo, gayon din ang paglaban sa climate change.

Samantala, naka-alerto naman umano ang kanilang hanay sa kabila ng pagpatay ng mga ilaw sa mga police station sa probinsya ngayong Sabado.

No comments:

Post a Comment