Posted March 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Tumanggap ng tatlong
parangal ang Aklan Electric Cooperative Inc., (AKELCO) mula sa National
Electrification Administration (NEA).
Ang mga award na
iginawad ay tinanggap ni AKELCO General Manager Engr. Joel Martinez sa Philippine International Convention Center sa
Manila.
Ayon kay Yoko
Mendoza PIO ng Aklan Electric Cooperative Inc., (AKELCO), ang tatlo umanong
award na natanggap ay Citation to Akelco for having successfully participated
in Country Sitio Electrification (2011-2016), Citation for Resilient Electric
Cooperative for having earned performance rating of AA pagkatapos manalasa ang
bagyong Yolanda, at Best Collection
Performance Award (2013,14, 15).
Maliban dito,
sinabi pa ni Mendoza, na hindi umano sila magtataas ng singil sa kuryente
ngayong summer season kung saan tataas lang ang generation charge nito depende
sa demand ng kuryente ng consumer.
Samantala, payo
naman nito member- consumer na maging responsable sa paggamit ng kuryente at sa
maka-tanggap naman ng disconnection notice ay pirmahan lang at wag na umanong
maki-pagsagutan pa sa collector.
No comments:
Post a Comment