Monday, March 14, 2016

Portable CR sa beach area ng Boracay, pinag-iisipan pa


Posted March 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for portable comfort roomPinag-iisipan pa ngayon ng Local Government Unit (LGU) Malay ang pagpapatayo ng Portable CR sa beach area ng Boracay.

Ito’y kaugnay sa paghahanda sa papalapit na Super Peak Season lalong-lalo na sa Summer event ng LaBoracay.

Ayon kay Engineer Tresha Lozañes ng Environmental Management Services Unit Office ng LGU Malay, pinag-iisipan pa nila ang pagpapatayo ng naturang Portable Comfort Rooms sa beachline  ng isla.

Maliban dito, payo ni Lozañes sa mga organizer na magsasagawa ng event sa Boracay na sumunod sa mga ordinansa at maging aware sa penalidad sakaling sila ay lumabag.

Aniya, kung sino man umano ang hindi susunod dito, ay maari umano nilang i-blacklist para hindi na makapag-operate ng kanilang event sa Boracay.

Nabatid kase, na noong nakaraang  taon ay maraming nag-rereklamo na turista na malayo at siksikan ang paggamit ng CR kung saan napipilitan pa ang mga ito na umuwi sa kanilang hotel na tinutuluyan o kaya ang iba aya sa dagat na inaabutan ng tawag ng kalikasan.

No comments:

Post a Comment