Tuesday, March 01, 2016

Korean national, patay habang nasa inuman sa Boracay

Posted March 1, 2016
Ni Inna Carol AL. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for patayAgad na binawiaan ng buhay ang isang Korean national habang nag-iinuman kasama ang mga kaibigan nito sa isang bar sa Station 2, Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang clinic sa isla kung saan dinala ang biktima.

Dahil dito, mabilis na rumisponde ang mga pulis para mag-imbestiga kung saan nakilala ang biktima na si Hang Deok Cho 35-anyos at pansamantalang nakatira sa isang resort sa Boracay.

Ayon naman sa nakasaksing waitress, nanga-ngalahati palang umano sa isang boteng alak ang nainom ng biktima ng makita nitong tila hinahaplos niya ang kanyang dibdib at nahihirapang huminga at agad na natumba sa buhangin.

Base sa sumuring doktor, Myocardial Infarction ang ikinamatay ng biktima na ngayon ay pansamantalang nakahimlay sa isang punerarya sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment