Thursday, March 03, 2016

German National patay matapos tangkang tumakas sa mga taga Bureau of Immigration

Posted March 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Credit to Rb Bachiller
Hindi na nailigtas ng mga doktor ang suspek na kinilalang si Dr. Rudolf Wilhelm Stolz, 66-anyos isang German national at kasalukuyang nakatira sa Sitio. Sugod, Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan.

Ito’y makaraang barilin niya ang isang taga Bureau of Immigration Agent at tumalon sa isang bangin kaninang alas 12:40 ng hapon sa nasabing lugar.

Sa report ng Boracay PNP Station, nagtungo umano ang biktimang si Rodrigo Oamil, 49-anyos sa bahay ng suspek sa naturang lugar kasama ang tatlo pang agent ng BI at ilang kapulisan para silbihan ito ng warrant of deportation at summary deportation order.

Ngunit dahil dito ay binaril naman ng suspek ang biktima na tumama sa kanyang kanang dibdib na agad ding isinugod sa isang klinika sa isla pero inilipat naman sa isang hospital sa bayan ng Kalibo para sa karampatang medikasyon.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis laban sa suspek ngunit mabilis itong tumakas papalayo sa bahagi ng bangin.

Sa pag-aakala umanong makakatakas sa mga pulis ay agad itong tumalon kung saan sinasabing bumagsak naman ito sa mga matutulis na bato sa may dagat.

Agad ding nakuha ang katawan nito ng mga rumespondeng Coastguard at dinala sa Alert Medical Clinic sa isla ngunit habang ginagamot ay agad ding binawiaan ng buhay dahil sa malakas na pagbagsak at mga tinamong sugat.

Nabatid na madami umanong kinakaharap na kaso ang suspek sa Bureau of Immigration (BI).

No comments:

Post a Comment