YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 03, 2016

Turnstile sa Caticlan Jetty Port nasa dry-run na

Posted March 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for turnstile machine caticlan jetty portKasalukuyan na ngayong sumasailalim ang Jetty Port Administration para sa dry-run ng Turnstile machine sa Caticlan Jetty Port.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, ready to operate na ang nasabing machine ngunit nasa testing palang umano ito sa ngayon.

Ang natura umanong machine ay para sa dadaanan ng mga turista at Aklanon residence pasakay ng bangka papuntang Boracay.

Nabatid na susuriin ng machine ang ticket na may bar code na kukunin sa Aklanon lane o sa tourist lane na walang bayad para makadaan sa nasabing Turnstile.

Sa kabila nito sinabi ni Maquirang na kailangang ang mga dadaan sa Aklanon lane ay may maipakitang ID na sila ay Aklanon residence o manggagawa sa isla dahil kung wala umano silang maipakitang ID ay hindi sila makakadaan sa nasabing turn style.

Ang turn style machine ay proyekto ng Aklan Provincial Government bilang pag-upgrade sa mga pasilidad ng Caticlan Jetty Port na siyang gateway papuntang isla ng Boracay.

Samantala, plano din ng probinsya na maglagay ng nasabing machine sa Paliparan sa Aklan para hindi na dumaan ang mga ito sa turn style sa Caticlan Jetty Port.

No comments:

Post a Comment