Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Mahigit 60
Security Guard sa Boracay ang sumailalim sa seminar ng National Telecommunication
Commission (NTC) Region 6 tungkol sa paggamit ng Hand Held Radio.
Sa pangunguna ni
Engr. Nestor Antonio Monroy, Engr. Leah Dela Cruz-Doromal at Engr. Canille
Caesar Dalumpines, ay nagbigay ang mga ito ng panuntunan sa tamang paggamit ng
Hand Held Radio.
Kabilang sa mga
itinuro sa kanila ang Technical Concepts of Radio Waves, Traffic, Handling, Safety
and Preventive Maintenance at iba pang mahahalagang bagay kaugnay sa paggamit
ng naturang radyo.
Ayon kay Monroy,
pumunta umano sila dito sa isla ng Boracay upang ibahagi sa mga Security Guard
ang legal operation ng radyo.
Sa pagtatapos ng
nasabing seminar ay nabigyan naman ng karagdagang impormasyon at kaalaman ang
mga security guard kauganay sa paggamit nito at kung anong mga bagay ang dapat
iwasan na magreresulta ng panganib sa bawat isa o sa kanilang trabaho.
Ang naturang
seminar ay ginanap sa Casa Pilar Convention Hall Boracay kaninang ala-ona ng
hapon.
No comments:
Post a Comment