Posted February 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit ang ginagawang pagtutol ng Boracay Holy Rosary
Parish Church sa nalalapit umanong operasyon ng Casino sa isla ng Boracay
ngayong Marso.
Ito ang pahayag ni Rev. Fr. Cesar Echegaray sa himpilang
ito, matapos nilang makumpirma na inaprobahan na umano ng LGU Malay ang pag-operate
ng isang Casino sa loob ng isang malaking hotel sa station 3 Boracay.
Dahil dito, nakatakda umanong magsagawa ng rally ang mga
taga simbahan bilang pagtutol sa pagpasok ng naturang illegal gambling sa isla
kabilang na ang pagpapakalat ng signature campaign para pigilan ang naturang
operasyon.
Maliban dito, isinama na rin ang panawagang ito sa mga
ginaganap na misa sa isla para bigyang kaalaman ang mga tao tungkol sa sinasabi
ng simbahan na sumisira sa moralidad ng mga tao sa Boracay.
Samantala, nanawagan naman ang naturang simbahan sa nagka-interes
sa pagpapatayo ng Casino sa Boracay na wala umano silang karapatan para guluhin
ang kanilang katahimikan, moralidad at pamilya dahil hindi umano nila gusto mga
pera ng mga ito.
Lumabas ang isyu sa Casino, pagkatapos ng paglahad
ni Bishop Tala-oc sa ginawang Peace
Covenant sa bayan ng Kalibo noong nakaraang Pebrero 26.
PS: this news item is supported WITH Voice Clip of Father Echegaray last February 27, 2016.
No comments:
Post a Comment