Wednesday, March 02, 2016

Swedish national, binugbog ng grupo ng kalalakihan sa Boracay

Posted March 2, 2016
Ni Inna Carol L. ZAmbrona, YES FM Boracay

Pasa sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan ang tinamo ng isang turistang Swedish national sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.

Ito’y matapos umano siyang pagtulungan bugbugin ng tatlo hanggang apat na kalalakihan na hindi naman nito nakilala.

Sa report ng Boracay PNP, ang biktima ay kinilalang si Victor Lo na nanunuluyan sa isang guest house sa isla.

Base sa salaysay ng mga pulis, kasama umano ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa loob ng bar ng bigla itong hinila ng bouncer patungo sa labas.

Ngunit ng nasa labas na umano ito ay dito siya nilapitan ng grupo ng mga kalalakihan at pinag-tulungan bugbugin na agad namang tumakas.

Mabilis ding naisugod ang biktima sa malapit na pagamutan para bigyan ng agarang medikasyon ay kanyang tinamong mga sugat sa katawan.

Samantala, ini-imbestigahan na ng mga pulis kung ano ang kabuuang dahilan ng pambubug-bog sa biktima kung saan marahil din umano sa kalasingan nito ang naging dahilan ng nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment