Tuesday, March 01, 2016

Boarding house sa Boracay, niluoban ng magnanakaw

Posted March 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftIsa na namang Boarding house ang niluoban ng hindi nakilalang magnanakaw sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Nakilala ang mga biktimang sina May Flor Cabrera 26-anyos residente ng Buenavesta, Duenes, Iloilo at Maricar Popes 27-anyos ng Mabilo Aklan na residente ng nasabing lugar.

Sa report ng Boracay PNP, sinabihan umano si Cabrera ng kanyang bayaw na pinasok ang kwarto ng boarding house nito ng hindi nakilalang magnanakaw.

Dahil dito, mabilis na umuwi ang biktima at dito nadatnan niya na bukas na ang kanyang pintuan na tila pwenirsang sirain ang lock.

Dito nadiskubre ni Cabrera na nawawala na ang kanyang iphone 3, O+ cellphone, dalawang wallet, hikaw, silver ring , teddy bear at 5USD.

Maliban dito nakuha rin sa katabing kwarto nito na pagmamay-ari naman ni Popes ang dalawang cellphone at isang tablet charger.

Sa ngayon pinag-hahanap na ng mga pulis ang suspek na sinasabing isang menor-de-edad.

No comments:

Post a Comment