Saturday, March 05, 2016

Nakuhang P3 Milyon ng DILG Malay sa SGLG ipinatayo ng Navigation light house

Posted March 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Navigation light houseIpinagawa umano ng Department of Interior and Local Government (DILG) Malay ng Navigation light house sa Sambiray ang kanilang nakuhang premyo sa Seal of Good Local Governance.

Ayon kay Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, ito ang kanilang pinag-gamitan sa premyong Tatlong Milyong peso.

Nabatid na ang Seal of Good Local Governance ng DILG ay kumikilala sa mga bayan at Provincial Government na may magandang performance sa pamamagitan ng kanilang 6 core values assessment.

Ang navigation light house ay nasa ilalim ng operasyon ng Philippine Coastguard kung saan malaki umano itong tulong sa kaligtasan lalo na sa mga mangingisda kung saan ang kanilang mga bangka ay hindi moderno para sa paglalayag.

Samantala, hiling naman ni Delos Reyes na sana ay muli silang makapasok sa Seal of Good Local Governance para sa mas marami pang proyektong maipatayo sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment