Monday, February 29, 2016

Bangkay ng isang matandang babae, nakita sa baybayin ng Numancia

Posted February 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for natagpuang patay]\Isang matandang babae ang nakita sa dalampasigan ng Brgy. Camanci, Norte, Numancia dakong alas 7:00 ng umaga kanina.

Base sa inisyal na report ng Numancia PNP, ito ay nakita ito ni Jeofrey Sivestre na residente rin ng nasabing lugar kung saan agad din nitong ipinag-bigay alam sa mga residente sa Brgy.

Nabatid na walang nakakakilala sa nasabing biktimang babae na tinatayang nasa edade 70-anyos at nakasuot ng putting pang-itaas at bulaklaking bistida na kulay blue.

Sa ngayon, ay inaalam pa ng mga pulis kung saan nagmula ang naturang biktima sa mga kalapit na bayan o probinsya.

Samantala, ang labi ng biktima ay nakahimlay ngayon sa isang punerarya sa bayan ng Numancia habang wala pang kumikilala rito.

No comments:

Post a Comment