Posted March 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ito’y matapos
niyang masungkit ang 3 gold medals swimming competition sa ginanap na West
Visayan Regional Association Meet sa siyudad ng Iloilo nitong Pebrero 8-12,
2016.
Si Edwin
Villanueva 17 taong gulang at Grade 8 ng Malay, National, High school ay
nakakuha ng 3 gold medals sa kanyang laro sa free style na may 43 seconds,
breast stroke na 1:0:57, at back stroke na 1:0:48 minuto.
Kasama ni
Villanueva ang coach nitong si Ma. Teresa Salador ng Ibajay Central elementary
school sa kanyang natahak na tagumpay sa naganap kompetisyon.
Hanga naman si
Salador sa ipinamalas na galing ng bata sa kanyang laro dahil nakuha nito sa
unang pag-kakataon ang gold medals.
Payo naman ngayon
ni Villanueva sa mga athletic katulad niya na ipagpatuloy lang ang
kanilang pagsasanay sa kung anong sports ang kanilang sasalihan.
No comments:
Post a Comment