Friday, March 04, 2016

Boracay PNP full-force na sa Semana Santa at sa super peak-season sa Boracay

Posted March 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Full-force na umano ang Boracay PNP Station para sa darating na Holy Week at pagpasok ng super-peak season sa isla ng Boracay.

Ayon kay Police Inspector Mark Joseph Gesulga, nakahanda na ang kanilang hanay para sa pagpapaigting ng seguridad sa inaasahang pagdagsa ng maraming turista sa isla ngayong buwan.

Aniya, may mga pulis umano ngayong naka-duty sa Puka Beach, Diniwid, Back Beach area, Mangrove at sa mga matataong lugar sa Boracay.

Sinabi pa ni Gesulga na malaking tulong umano ang kanilang ATV mobile patrol na nag-papatrolya sa mismong beach area gayon din ang mga bagong naka-install na mga CCTV camera sa isla.

Nabatid na libo-libong tao ang dumadagsa sa isla ng Boracay sa tuwing Semana Santa at super peak-season sa panahon ng summer.

Ang Boracay PNP ay may kabuuang 140 personnel na tumutulong sa pananatili ng kaayusan at seguridad sa Boracay lalo na pagdating sa mga turista.

No comments:

Post a Comment