Friday, March 04, 2016

Bahay sa loob ng isang compound sa Boracay, ninakawan; cash tinangay

Posted March 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for maraming peraNanlumo ang isang ginang matapos na akyatin ng kawatan ang kanilang bahay sa loob ng isang compound sa Sitio Bantud, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Sumbong ng biktima si Babydin Isagan 33- anyos sa Boracay PNP, nagising umano siya na nawawala na ang kanyang pouch o lagayan ng pera malapit sa gilid ng kanyang higaan.

Agad niya umano itong hinanap sa loob ng kanyang kwarto at sa buong bahay pero hindi niya ito makita, ngunit sa pagpupumilit na mahanap ay natagpuan naman niya ito sa gilid ng banyo sa labas ng bahay ng kanyang ina.

Pero ikinalungkot nito na wala na ang perang laman ng kanyang pouch na nag-kakahalaga ng mahigit sa P11, 000.

Sa ngayon ay patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis kung saan napag-alaman na makailang beses na ring pinasok ng kawatan ang naturang compound.

No comments:

Post a Comment