Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Naka-full alert ngayon ang Boracay Tourist Assistance
Center o (BTAC) bilang paghahanda sa pagpasok ng Super-peak season sa isla ng
Boracay.
Ayon kay Deputy Director Police Inspector Jose Mark
Gesulga ng Boracay PNP, ang kanilang paghahanda ay hinggil sa umano’y tumataas
na kaso ng nakawan kung saan patuloy ang kanilang ginagawang monitoring para
mapuksa ang lumalalang insidente.
Sa kabila nito sinabi pa ni Gesulga, na noong nakaraang
buwan ng Enero 2015 ay may record silang mahigit 101 na kaso ng nakawan kung saan bumaba na umano ito ngayong buwan ng Pebrero 2016 sa 48.
Subalit sa kanilang bagong record ngayon ay mas laganap
umano ang nakawan sa mga hotels at boarding house kung saan ito naman ngayon
ang puntirya ng mga mag-nanakaw na dati ang pandidikwat ay sa front beach area.
Maliban dito, malaking tulong din umano sa Boracay ang
pag-deploy ng karagdagang 50 Police personnel sa BTAC kasama na ang kanilang ginagawang ATV Mobile Patrol o Long beach patrol at ang dagdag na puwersa ng Force Multipliers sa Boracay.
Samantala, paalala naman ni Gesulga sa mga turistang
mag-babakasyon ngayong super-peak season sa Boracay na mag-doble ingat sa
pagdala at pag-bantay ng kanilang gamit lalong-lalo na sa kanilang hotel na
tutuluyan para hindi mabiktima ng kawatan.
No comments:
Post a Comment