Tuesday, March 01, 2016

Rotanda Sarok sa bayan ng Kalibo, nanganganib ng matanggal

Posted March 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Nanganganib ng matanggal ang Rotansa Sarok sa bayan ng Kalibo na makikita sa Crossing Banga-New Washington.

Ito’y sa sandaling makumpleto na  ang pagpapatayo ng traffic lights sa nasabing lugar para maibsan ang matinding trapiko.

Nabatid na mahigit sa apat napung taong nakatayo ang nasabing Rotanda na siyang kumikilala sa bayan ng kalibo at bumabati sa mga bisita.

Sa ngayon ay makikita na ang ibang traffic light sa nasabing crossing ngunit wala pang itinakdang petsa kung kaylan ito magsisimulang mag-operate.

No comments:

Post a Comment