Saturday, March 05, 2016

Manoc-manoc naglaan ng P44 Milyon para sa mga bagong kalsada sa brgy.

Posted March 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naglaan ngayon ng budget na P44 Milyon ang brgy. Manocmanoc sa Boracay para sa kanilang mga bagong road infrastructure.

Ito ang sinabi ni Manoc-manoc Brgy. Captain at Liga President Abruam Sualog sa himpilang ito.

Aniya, may mga bago ng access road sa naturang brgy. kagaya ng mula sa Tambisaan papuntang Manoc-manoc proper at Bet Shalom at iba pang kalsada na papunta naman sa Cagban Port.

Sinuri na rin umano ito ng DPWH at nakatakda ng masimulan ang naturang proyekto kung saan nakausap na din umano ni Sualog ang mga mag-ari ng lupa na nagbigay ng right of way.

Nabatid na ang mga nasabing kalsada ay paglalagyan din ng mga streetlights kabilang na ang bagong kalsada mula sa may Rotonda papunta sa Sitio. Angol.

No comments:

Post a Comment