Wednesday, March 02, 2016

SGLG, pinaghahandaan na ng DILG Malay

Posted March 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for seal of good local governancePinaghahandaan na ng Local Government Unit ng Malay ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ngayong September 2016.

Ayon kay Malay DILG Officer Mark Delos Reyes, nakapagsagawa na umano sila ng meeting nitong nakaraang Pebrero 27 para paghandaan ang naturang SGLG.

Sinabi nito na pareho lang ang kategorya noong nakaraang taon at ngayong 2016 kung saan kinabibilangan ito ng 6 core values.

Hiling naman ni Delos Reyes na sana ay muli nilang makuha ang mailap na parangal para sa maganda at maayos na pamamalakad ng isang bayan.

Matatandaang nanalo noong nakaraang 2015 ang bayan ng Malay sa Seal of Good Local Governance kasama ang Provincial Government ng Aklan bayan ng Ibajay at bayan ng Banga.

No comments:

Post a Comment