Monday, February 29, 2016

Construction Painter sa Boracay sinaksak; suspek na mag-ama sumuko

Posted February 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulunganNagtamo ng sugat sa kanyang braso at leeg ang isang construction painter sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan matapos tambangan ng mag-ama.

Nakilala ang biktima na si Albert Igos 33-anyos construction painter residente ng Cabugao Batan, Aklan habang nakilala naman ang mag-amang suspek na si Deonito Sarindona 41-anyos at Jopee Sarindona 21-anyos na pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Boracay PNP, papauwi na umano ang biktima kasama ang katrabaho nito mula sa isang inuman ng bigla silang harangin ng mag-ama kung saan itong si Jopee ay pinagsusuntok siya sa kanyang ibat-ibang parti ng katawan.

Dahil dito, nagtangka umanong gumanti ang biktima ngunit mabilis naman siyang sinaksak ng nakakatandang si Sarindona ng dalawang beses sa kanyang braso at mabilis ang mga itong tumakas.

Mabilis namang dinala ang biktima sa isang klinika sa Boracay ngunit agad naman itong inilipat sa isang ospital sa bayan ng Kalibo para sa agarang medikasyon.

Samantala, matapos ang isinagawang manhunt operation ng mga pulis sa mag-amang suspek ay kusa naman ang mga itong pumunta sa himpilan ng pulisya para sumuko.

Sa ngayon, ay pansamantalang nasa kustodiya ng Boracay PNP ang dalawa habang hinahantay ang isasampang kaso para sa mga ito.

No comments:

Post a Comment