Posted January 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit Ui-han Villanueva |
Patuloy parin ang ginagawang embistigasyon ng Bureau of
Fire Protection Unit (BFPU) Boracay sa naganap na tatlong sunog nitong Enero 2,
2016 sa Balabag, Boracay, Malay, Aklan.
Ayon kay FO3 Cirilo Jeroche III ng BFP Boracay, naganap
umano ang unang sunog sa second floor ng isang restaurant sa D’mall alas-7:48
ng gabi kung saan idiniklara naman itong fire-out alas- 8:10 ng kaparehong
araw.
Sinabi ni Jeroche na nagsimula ang sunog sa labasan ng
usok nito kung saan umabot lamang sa tinatayang P1, 000 ang halaga ng gamit na natupok.
Maliban dito naganap naman ang pangalawang sunog sa station
1 Balabag alas- 10:45 ng gabi kung saan nasunog rito ang mga nakatambak na
punong kahoy.
Makalipas naman ang isang oras naganap naman ang
pangatlong sunog sa mainroad Balabag kung saan nabagsakan ng punong kahoy ang
kable ng kuryente alas 11:45 na nagkaroon ng kunting pag-apoy sa lugar na agad
namang naapula ng mga rumesponding bombero.
Samantala, wala namang nasaktan sa nanyaring sunog dahil
sa mabilis na naagapan ng mga rumesponding otoridad ang mga nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment