Thursday, January 07, 2016

Mga hotel sa Kalibo fully booked na para sa Ati-Atihan 2016

Posted January 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for ati-atihan 2016Ngayon palang ay punuan na ang mga hotel sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival 2016 bilang pakikiisa sa kapistahan ni Sr. Santo Niño sa Enero 8 hanggang 17.

Halos lahat na ng hotel sa nasabing bayan ay naka fully booked na dahil sa marami na ang nagpa-reserve na mga turista at mga balikbayan.

Maliban dito inaasahan ngayong taon ang libo-libong deboto at mga bisita na makikisaya sa nasabing “week long” celebration.

Ilan naman sa mga aabangan sa Ati-Atihan ay ang Sad-Sad panaad, Higante Contest, Kainan sa Plaza, Paeapak, street dancing at ang Tribal dance contest sa araw ng Sabado.

Ang Ati-Atihan Festival ay taunang ginagawa tuwing ikatatlong linggo sa buwan ng Enero bilang pagbibigay pugay sa kapistahan ni Sr. Sto Niño.

No comments:

Post a Comment