Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Epektibo noong Enero 1, 2016 ay bawal ng pumasok ang mga
sasakyan sa Cagban Port na walang sticker mula sa Jetty Port Administration.
Ito ang sinabi ni Special Operation III Jean Pontero ng
Jetty Port Administration matapos nilang simulan ang nasabing implementasyon.
Ayon kay Pontero, ang hindi nakapapag-renew at nakapag
bayad para sa taong 2016 ay hindi na makakapasok sa nasabing pantalan.
Sinabi nito na noong Oktobre pa noong nakaraang taon nila
sinumulan ang aplikasyon para sa mga sasakyan sa isla ng Boracay katulad ng mga
transportation vehicle na kinabibilangan ng tricycle, hotel at resort service, multicab
at L300 van.
Kaugnay nito hanggang ngayon ay patuloy parin umano ang
kanilang pagtanggap sa mga aplikasyon ng mga operator para sa mga sasakyang
gustong makapasok sa Cagban Port.
Kapansin-pansin din na kakaunti lang ang mga traysikel na
nakapila sa loob at ang iba ay sa labas ng port nabababa ng pasahero dahil na
rin sa nasabing implementasyon.
Samantala, ang sticker mula Jetty Port ay siyang patunay
na ang mga ito ay nakapagbayad at maaaring makapasok sa port ngunit ang wala
naman ay hanggang sa entrance lamang makakapagbaba ng kanilang mga pasahero.
No comments:
Post a Comment